-- Advertisements --

Nakahanda na ang 10 mga podiums kung saan tatayo ang 10 mga presidential candidates para sa tinaguriang “PiliPinas Debates 2022, the turning point.”

Muling magkakasubukan ang mga presidential candidates sa gagawing harapan sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Alas-7:00 mamayang gabi, magsisimula ang debate, na tatagal ng mahigit sa dalawang oras.

Ito ang simula ng serye ng mga debate kung saan ang nag-organisa ay ang Commission on Elections (Comelec).

Ipinagmamalaki ng Comelec na ito ang pinakamalaki at pinaka-opisyal na debate.

Bukas kasi ay ang banggaan naman ng mga tumatakbo sa pagkapangalawang pangulong sa kaparehong lugar.

Ilang oras bago ang debate, nasilip ng Bombo Radyo na abalang abala na ang lugar na sa paghahanda at pinaganda pa ang entablado para maging komportable ang inaasahang mainitang debate.

Sa lawak ng lugar na ito na tent na nasa bahagi din ng CCP complex at malapit sa Manila Bay, may kanya kanyang holding room na inihanda para sa mga kandidato.

Samantala, hanggang sa ngayon ang opisyal na pahayag ng Comelec, tanging ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hindi makakadalo, pero kung magbago ang kanyang isip hanggang mamaya ay pwede naman daw siyang humabol.

Ang mga kumpirmadong haharapan sa debate mamayang gabi ang siyam na mga presidential candidates na kinabibilangan nina dating presidential spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, Manila Mayor Isko Moreno, dating National Security Adviser Norberto Gonzales, Senator Panfilo Lacson, Senator manny Pacquiao, businessman Faisal Mangondato, Dr. at atty. Jose Montemayor Jr., at Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, ang siyang nammumuno ng PiliPinas Debates 2022, magiging pantay sa lahat at walang kinikilangan na kandidato ang event.

Titiyakin din daw nila na magkakaroon ng oportunidad ang lahat ng mga presidentiables na makausap ang mga botante.

“These are the two biggest things on the minds of everyone right now,” pagpapaliwanag naman ni Comelec spokesman James Jimenez. “We have a pool of 20 questions but we don’t expect all of them to be asked. Again, this is not a questionnaire type of debate wherein all questions are going to be asked. The debate will be organic and we will flow according to responses of the candidates.”

Samantala napag-alaman na ang magiging modarator sa debate ay ang veteran broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdes.

Itong unang debate na ang sentro ng mga isyu ay iikot sa usapin ng “pandemic at ekonomiya.”

Sinabi pa ng Coemlec na kabilang sa itatanong nila ay mula sa 20 mga katanungan sa na nanggaling sa publiko.

Ang istilo ng debate ay hindi Q and A o questionnaire type. Kung saan batay din ito sa limitasyon ng oras ng pagsagot

Merong inilaang 90 seconds sa bawat kandidato na sagutin ang pangunahing katanungan.

Bibigyan din sila ng 30 seconds para sa rebuttal at 30 seconds muli para sa rejoinder.

Inabisuhan din ng komisyon ang mga presidentiable na bawal silang magdala ng papel o kaya susulatan sa stage.

Meron ng inihandang susulatan sa sarili nilang mga podium.

Marami na ring nilahukan na mga debate ang mga kandadito pero ang gusto ng Comelec, makilala pa lalo ang mga kandidato.
Sa labas ng venue ng higanteng fullly airconditoned na tolda, naka-ready na rin ang malalaking media organizations na magkokober tulad ng kanilang OB vans at remote broadcast.

Ang naturang harapan ng mga presidentiables ay maririnig din at mapapanood sa maraming mga himpilan ng radyo at telebisyon kasama na sa Bombo Radyo at Star FM stations nationwide.

Mapapanood din ito sa mga social media platforms ng Bombo Radyo Philippines.

mobile up, bilang bahagi pa rin ng public service ng network, katuwang ang comelec.