-- Advertisements --
POGO

Isinama umano ng Chinese government ang Pilipinas sa blacklisted na puntahan ng kanilang mga turista dahil sa patuloy umanong pag-operate ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na ito ang sinabi sa kanya ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon kay Zubiri, isinama ang Pilipinas sa listahan na ipinagbabawal na puntahan ng mga turistang Tsino sapagkat hindi daw tiyak kung sasali ang mga turista sa POGO operations, at hindi nila alam kung ligtas ba ang mga Chinese nationals na pupunta sa Pilipinas dahil umano sa iligal na aktibidad na pinapatakbo ng mga sindikato.

Gayundin, dagdag pa ni Zubiri na baka dukutin ang mga turistang Chinese at mapagkamalang kabilang pa sa nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Batay naman sa record ng Department of Tourism mula February hanggang September nitong taon ang mga Chinese arrivals umaabot sila ng 1.37 percent mula sa 22,236 passengers na mga tourist entries.

Pero may mga pangamba na ang ilan sa naturang mga turista ay nagiging target ng mga POGOs bilang kanilang mga customers.

Naging kalakaran na sa China na deklaradong iligal ang pagsusugal.

Noon pa man ay nananawagan na rin ang Beijing sa Pilipinas na i-ban ang lahat ng uri ng online gambling.

Una na ring sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Senate hearing kamakailan na pabor siya na tuluyan na ring ipa-ban ang mga online gaming operators.

Tinukoy ni Diokno na ang mga kinikita sa POGOs ang peak nito ay noong taong 2020 na umabot sa P7.2 billion pero sumadsad naman noong nakaraang taon na nasa P3.9 billion.

Para naman kay David Leechiu, chief executive ng Manila-based Leechiu Property Consultants, tinataya niya na malaki raw ang kawalan sa ekomiya ng Pilipinas na aabot sa P200 billion sa rental revenue at sweldo kung tuluyang palalayasin ang mga POGOs.