Nagkasundo sina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Montenegro Prime Minister Dritan Abazović na palakasain pa ang kooperasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tourism cooperation ng dalawang bansa.
Sa pulong ng dalawang lider kanilang tinukoy ang potensiyal na two-way exchange sa tourism practices sa pagitan ng Pilipinas at Montenegro na makakatulong sa pagpapaigting ng ugnayan lalo na sa usaping pang ekonomiya ng dalawang bansa.
Inihayag ng Pang. Marcos na posibleng gamitin o kopyahin ng Pilipinas ang matagumpay na stratehiya ng Montenegro at vice versa.
Punto ng Chief Executive ang Turismo ay nagiging nakapa importante sa Pilipinas na malaking bagay sa pag transform ng ekonomiya ng bansa.
Umaasa ang Pangulo na makaka rekober ang Pilipinas mula sa pagkakalugmok nuong panahon ng pandemya.
Pinuri naman ni Prime Minister Abazović si Pang. Marcos sa kaniyang sigasig na maka hikayat ng mga turista at investors sa Pilipinas.
Nasa bansa ang prime minister para tunghayan ang FIBA match sa pagitan ng Montenegro at United States ngayong araw September 1,2023.