-- Advertisements --

Lumagda ang Pilipinas at Japan ng isang memorandum of cooperation upang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng enerhiya at maisulong ang malinis at matatag na energy partnership.

Pinangunahan nina Energy Secretary Sharon Garin at Japanese Minister Muto Yoji ang paglagda sa kasunduan sa ginanap na 3rd Asia Zero Emission Community Ministerial Meeting sa Kuala Lumpur.

Saklaw ng kasunduang ito ang pagtutulungan sa renewable energy, grid integration, energy storage, hydrogen, ammonia, liquefied natural gas, at carbon capture utilization and storage.

Layunin din nitong paigtingin ang energy security at ang kolaborasyon para sa pagpapalago ng energy industries sa dalawang bansa.

Ang programa ay bahagi ng Asia Energy Transition Initiative ng Japan at ito ay magkakabisa sa loob ng apat na taon.