-- Advertisements --

Nagkasundo ang Pilipinas at Cambodia na palakasin ang kalakalan sa bigas ng dalawang bansa at maging sa iba pang mga pangunahing usapin.

Ito’y matapos ang isinagawang bilateral meeting sa pagitan nina Pang. Ferdinand Marcos Jr at Cambodian Prime Minister Hid Excellency Hun Manet sa sidelines ng 50th ASEAN-Australia Special Summit ngayong araw.

Nais ni Presidente na magkaroon ng sapat na suplay ng bigas lalo at nakakaranas ang bansa ng El Nino Phenomonenon.

Tinalakay din ng dalawang lider ang iba pang usapin gaya ng turismo, double taxation, flight connection, defense cooperation at security.

Sa ngayon mayruong limang flights mula Pilipinas patungong Cambodia.

Posibleng madagdagan din ang flights sa Cambodia dahil magbubukas pa ng dalawang airport sa susunod na taon.

Siniguro naman ni Pang. Marcos na mayruon ng kinontrata ang kaniyang gobyerno para sa pag modernize sa Manila airport.

Pinalalakas din ng Marcos government ang mga airport sa ibat ibang rehiyon ng sa gayon mahikayat ang mga turista na bumisita sa ibat ibang tourist destinations sa bansa.

Nagpahayag din ang Pangulo na bumisita ito sa bansang Cambodia.