Muling makikibahagi ang Pilipinas sa Rim of the Pacific (RIMPAC) exercises na gaganapin sa June 29 hanggang August 4 sa Estados Unidos.
Ang RIMPAC ang itinuturing na pinakamalaking maritime warfare exercise sa buong mundo dahil nilalahukan ito 26 na mga bansa kabilang ang Pilipinas, India, Japan at Australia, Singapore, Thailand at Brunei.
Ang naturang pagsasanay ay pangungunahan mismo ng commander ng United States Pacific Fleet at gaganapin ito sa bahagi ng Hawaiian islands at southern California.
Layon ng maritime exercise na ito ay mapalawak pa ang kakayahan ng mga puwersang pandagat ng mga kalahok na bansa, palakasin ang ugnayan ng 26 countries at ma-promote ang free and open Indo-Pacific.
Batay sa ulat ng US Pacific Fleet nasa 38 surface ships, apat na submarines at 170 aircrafts ang magiging bahagi sa biennial RIMPAC exercises.
Magiging involved din sa RIMPAC 2022 ang land forces mula sa siyam na bansa.
Nasa kabuuang 25,000 personnel ang kalahok sa tinaguriang biggest naval exercises sa buong mundo.
Pokus ng nasabing exercises ay ang wide range of capabilities demonstration mula sa disaster relief and maritime security operations to complex warfighting gaya ng amphibious operations, gunnery, missile, anti-submarine and air defense exercise.
Sa pakikipag-ugnayan naman ng Bombo Radyo sa Philippine Navy, naghahanda na rin sa ngayon ang ipapadalang contigent sa RIMPAC 2022.
Batay sa inisyal na iskedyul, sa darating na June 8, 2022 gaganapin ang send off ceremony para duon sa mga participants.
Hindi pa sinabi ng Philippine Navy kung ilang mga barko at air assets ang makibahagi sa pinakamalaking naval exercises.