Hangad ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ibalato na lamang sa kanilang pamilya ang pinagdadaanang personal issues partikular sa pagitan ng kanyang ina at kapatid.
Unang pagkakataon ito ng pangatlong Pinay Miss Universe na direktang nagkomento sa isyu mula nang hayagang maghimutok sa social media ang nakababata nitong kapatid na si Sarah.
Ayon sa 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, masakit na pagsubok ito sa kanilang pamilya kaya sana ay mag-ingat ang publiko sa mga binibitawang komento lalo sa kanyang kapatid na nagkaroon ng trauma sa nakaraan.
Kalakip ng pahayag ni Wurtzbach ay ang larawan kung saan kasama nito ang ina, kapatid, at dalawang pamangkin.
Nitong weekend nang magsalita na rin ang kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.
Ayon kay mommy Cheryl, posibleng dumaranas lamang ng postpartum depression ang bunsong anak na siyang ugat ng mga pinakawalang hinanaing.
Ang unang beses na pahayag ni Alonzo-Tyndall ay matapos ang bagong patutsada ni 28-anyos na si Sarah sa kanyang “IG stories Q&A” nitong October 30.
Dito ay inungakt ng nakababatang Wurtzbach ang pagbugaw daw sa kanya ng sariling ina noong 10-anyos pa lamang at hindi pa rin nagso-sorry hanggang sa ngayon.
Narito ang ilan sa mga kasagutan ng nakababatang Wurtzbach:
“She solicited me when I was younger in exchange for money, then I got gang raped and then raped again for the second time, and she told me, I deserved it. Next.”
“Nope (hindi pa napatawad). She hasn’t approached me for six months since she told me I deserved it. Siya pa yung lumayo LOL.
“FYI, she lives like 10 min drive away from me and has the keys to my house.”
Sina Pia at Sarah Wurtzbach ay anak ni Cheryl sa kanyang unang asawa na isang German na sumakabilang buhay noong 2014.
Una nang nagkaayos ang magkapatid sa pribadong paraan kung saan unang idinawit ni Sarah sa “hate posts” ang kanyang ate.
Sa tinaguriang “weekend war” noong Oktubre 17, naungkat ang isyu sa pera at maging ang kasintahan ni Pia.
Ang postpartum depression ay karaniwang dinaranas ng mga ina pagkatapos manganak.