-- Advertisements --

Naglabas ng pagbabala ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) laban sa mga gumagamit ng kanilang opisina.

Ayon sa PHLPost, na mayroong ilang mga pekeng mensahe online na gumagamit ng kanilang logo para makapanloko ng ibang mga tao.

Papadalhan nila ang mga biktima ng links para ma-claim ang kanilang mga parcels.

Hihingi umano ng pera ang mga suspek para mai-update ang mga detalye ng kanilang biktima.

Paglilinaw ni Postmaster General Luis Carlos na hindi sila kailanman nagpapadala ng mga text messages, emails o mga online na mensahe para manghingi ng bayad sa mga hindi naideliver na parcels.

Pinayuhan na nito ang publiko na huwag ng pansinin ang nasabing mga mensahe habang inilapit na nila ang nasabing reklamo sa mga otoridad.