-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng korte sa Vietnam ng dalawang taon si Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien.

May kinalaman ang kaso sa promosyon niya ng fiber supplements na Kera Supergreens Gummies.

Makakasama niyang makukulong ang mga social media influencers na sina Pham Quang Linh at Hang Du Muc.

Lumabas a pagsisiyasat ng korte na mayroong 0.935 percent lamang na fiber ang gummies na kanilang ipinopromote.

Inamin ni Tien na kaya niya ginawa ang promosyon para magkaroon ito ng malaking halaga ng pera.

Maguguntang unang naaresto ang Vietnamese beauty queen noong Mayo dahil sa kasong fraud.