-- Advertisements --

Balak ngayon ng pamahalaan na umutang ng $5.6 billion mula sa World Bank at Asian Development Bank para mapananatili ang paglutang ng ekonomiya ng bansa at para gamitin na rin sa laban kontra COVID-19.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na kumpyansa sila sa financial capability ng bansa para masolusyunan ang problemang idinudulot ng public health crisis na ito.

Tinitiyak aniya nila na sa ngayon ay may pera pa rin ang pamahalaan, pero mahalaga rin aniyang isaisip na hindi habangbuhay ganito ang sitwasyon kaya iniisip nila ang umutang.

“Right now, tina-tap natin iyong kaibigan natin sa ADB and World Bank, and we will probably be borrowing $5.6 billion from them.  Kung kulang pa, we will probably be going sa commercial market,” ani Dominguez.

Sa ngayon, mayroon na aniyang nabuong fiscal at monetary actions ang economic managers at Bangko Sentral ng Pilipinas sa gitna ng kinkaharap na krisis.

Ayon kay Dominguez, aabot ng hanggang P1.17 trillion o 5.6 percent ng gross domestic product (GDP) ang maaring gastusin para matugunan ang mga pangangailangan ng Pilipinong apektado ng krisis.