-- Advertisements --

Tiwala si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na mananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa taong 2023.

Sa kabila naman nang inaasahang pagbagal ng ekonomiya sa naturang period dahil sa natitirang headwinds, sinabi ni Balisacan na “comparatively strong” pa rin ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

Magiging factor din umano sa pagbagal ng GDP growth ang external internal challenges.

Kung maalala, naitala ng bansa ang Gross Domestic Product (GDP) growth na 7.1 percent sa ikatlong quarter ng taon.

Malaking bagay naman sa pagkamit ng GDP growth na 7.1 percent ang wholesale at retail trade, financial at insurance activities at construction.

Ito ang nagdalaw sa year-to-date average na 7.7 percent.

Kasunod na rin ito ng upwardly adjusted 7.5 percent noong second quarter at downward revised na 8.2 percent sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.

Inaasahan naman ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang full-year economic growth na nasa pagitan ng 6.5 percent hanggang sa 7.5 percent para ngayong taon.