Sumakabilang buhay na ang isa sa mga top officials ng Philippine Bowling Federation (PBF) matapos dapuan ng coronavirus.

Ang 61-anyos na si Alexander Lim, na treasurer at trustee ng PBF, ay pumanaw ngayong araw sa St. Lukes Hospital sa Taguig City matapos ang mahigit dalawang linggo mula nang tamaan ng COVID-19.

Inanunsyo ni PBF president Steve Robles ang naturang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Kaagad namang nagbigay ng kani-kanilang mga tribute ang mga miyembro ng national team, maging ang mga kapwa nito bowling officials.

Ayon kay PBF secretary general at bowling icon na si Bong Coo, malaking kawalan sa bowling community ang pagyao ni Lim.

Maging ang Philippine Sports Commission ay nagluluksa sa pagpanaw ng opisyal.