-- Advertisements --

Naglabas ang Phivolcs ng Lahar Advisory para sa Mt. Mayon kaugnay ng inaasahang pag-ulan dulot ng Severe Tropical Storm Uwan.

Ayon sa inilabas na Weather Advisory #6 at Preparatory Flood Information Forecast para sa Bicol River Basin ng Pagasa kaninang 11:00am, makakaranas ng malalakas hanggang matitinding pag-ulan (na aabot sa 400mm) ang Bicol Region na maaaring magdulot ng pag-agos ng volcanic sediment o lahar sa mga lugar sa paligid ng Bulkang Mayon.

Partikular na apektado ang mga komunidad malapit sa mga daluyan ng tubig sa Miisi, Binaan Mabinit, Buyuan, Anoling, Matan-ag, Basud, Quirangay, Tumpa, Sua, Muladbucad, Nasisi, Nabonton, Buang, San Vicente, Bulawan, Lidong, Masarawag and Maninila Channels.

Maaaring maganap ang lahar o agos ng putik mula sa bulkan dahil sa tuluy-tuloy na ulan, na magdudulot ng pagbaha, pagkasira, o pagkalubog ng mga mabababang lugar.

Pinapayuhan ng mga eksperto ang mga residente at lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na lugar na maging mapagmatyag, patuloy na sumubaybay sa kalagayan ng panahon, at magsagawa ng hakbang para sa kaligtasan.