Itinaas ng Philippine Institute of of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa magnitude 6.9 na lindol mula sa dating 6.7 na lindol na tumama sa Cebu dakong 9:59 ng gabin itong Setyembre 30.
Base sa datos ng ahensiya na mayroon ng lalim na 5 kilometers na ang epicenter ay nakita sa Bogo City.
Naramdaman ang intensity 5 sa Sipalay City, Cebu; Negros Occidental; Lapu-Lapu City at Tacloban City.
Intensity 4 naman ang naramdaman sa San Fernando, Cebu; Bulan, Bulusan at Casiguran, Sorsogon; Roxas City,Capiz; Himamaylan City, Negros Occidental; Ubay, Bohol; Lawaan, Eastern SAmar; Laoang, Northern Samar; Catbalogan, Samar; Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Intensity 3 naman sa Legazpi City, Albay; Iriga City, Camarines Sur; Donsol, Sorsogon; Tibiao, Antique.
Ibinabala ng ahensiya na magkakaroon pa ng ilang mga aftershocks sa nabanggit na mga lugar.