-- Advertisements --
Nagpaalala ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng pagpapakalat ng mga pekeng pera sa holiday season.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, dapat daw ay maging mapagmatyag ang publiko lalo na’t sinasamantala ng mga masasamang loob ang pagpapakalat ng pekeng pera sa tuwing sumasapit ang Christmas season.
Kabilang na rin daw sa dapat bantayan ng publiko ang crimes against property gaya ng pagnanakaw at panloloko o panlilinlang na tumataas ang kaso kapag ganitong mga panahon.
Una rito, pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isagawa ang “Feel-Look-Tilt” method para ma-check ang security features ng New Generation Currency (NGC) banknotes.