MANILA – Pumanaw na ang Philippine eagle na naging mukha ng conservation ng mga endangered species sa bansa na si “Pag-asa.”

Ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF), namatay dahil sa iba’t-ibang komplikasyon ang ibon nitong Martes, January 6.

“Pag- asa succumbed to infections associated with Trichomoniasis and Aspergillosis. Both diseases are fatal for raptors,” ayon sa announcement ng PEF.

Bagamat sumailalim sa treatment noong nakaraang linggo, hindi na raw kinaya ni Pag-asa na labanan ang mga tumamang sakit.

“He was the first-ever Philippine Eagle bred and hatched in captivity using the cooperative artificial insemination (CAI) techniques.”

Si Pag-asa ay bunga ng 14-taon na pananaliksik ng Pinoy scientists at environmentalists. Nagsilbing simbolo ng wildlife conservation sa bansa ang agila.

“Years after he was hatched, the PEF reached yet another milestone with Pag-asa in the form of his first and only offspring. She was named Mabuhay and was also bred and hatched through CAI.”

“Even after he retired from breeding, Pag-asa lived his life as an icon of hope for Filipinos, young and old, and was a constant inspiration to the people working tirelessly to save our National Bird from extinction.”

Magdidiwang sana ng ika-29 taon ang si Pag-asa sa January 15.