Nakipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa mga otoridad sa Hong Kong matapos na ibunyag nila na isang oversease Filipino worker ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Ayon sa konsulada, may grupo na silang nagtungo sa pagamutan kung saan dinala ang biktima para malaman ang lagay nito.

Tiniyak ng Consul General na gagawan ng lahat ng gobyerno ng Pilipinas ang makakaya para tulungan ang biktima.

Magugunitang nasa 61 na ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Hong Kong kung saan isa dito ang nasawi.