-- Advertisements --

Dead on spot ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard matapos na pagbabarilin sa kaniyang bahay sa Port Area Manila.

Kinilala ang biktimang si Muktar Tahajid, 29, isang enlisted personnel ng Philippine Coast Guard.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, hinabol ito ng mga armadong suspek kung saan tinangka pa nitong pumasok sa isang bahay subalit inabutan na ito ng mga suspek.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo at ang pagkakakilanlan ng mga armadong suspek.