-- Advertisements --

Pinadadalo ng Sandiganbayan Third Divison ang apat na doktor ni dating house speaker Martin Romualdez na dumalo sa itinakdang pagdinig sa Setyembre 10.

Ang mga doktor na pinadadalo ay kinabibilangan nina Dr. Rody Dy, Rogelio Libarnes, Kurt Allen Sibayan at Rosalio Torres.

Nais malaman ng Sandiganbayan ang medical condition ng mambabatas kung papayagan nila itong manatili sa pagamutan o sa kustodiya na ng Philippine National Police.

Personal din pinadadalo si Romualdez sakaling gumanda ang kaniyang kalusugan.

Kasabay din nito ay didinggin din ng korte ang mosyon ng kampo ni Romualdez na humihiling ng patuloy na ma-confine sa pagamutan sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan matapos na makaranas ng anxiety attack at cardiovascular event.