-- Advertisements --

Binunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla na nagkakaroon na ng negosasyon sa mga umanoy protektor at nagkakanlong kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Sinabi ni Remulla na alam nila ang kinaroroonan ng Senador subalit nagkakaroon pa ng negosasyon sa mga umanoy protektor nito.

Pagtitiyak din ng Kalihim na kanilang maaaresto ang puganteng Senador.

Mula pa kasi noong Mayo ay patuloy ang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Senador na mayroong warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot nito sa drug war noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Huling nakita ang senador noong Mayo 13 kung saan dumalo ito sa sesyon ng Senado bago tumakas matapos ang naganap na pamamaril sa loob ng Senate building.