-- Advertisements --

Naglabas ng higit P100-million halaga ng panibagong bayad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa utang nito na halos P1-billion sa Philippine Red Cross (PRC).

“PhilHealth releases another P 100,003,015 to Philippine Red Cross today; fast-tracks validation of claims to reimburse COVID-19 tests done by the PRC in support of the Government’s campaign to curb the effect of pandemic particularly to OFWs,” ani Atty. Dante Gierran, PhilHealth president and CEO.

Ito na ang ikalawang beses na nagbigay ng partial payment ang kompanya mula ng itigil ng PRC ang pagtanggap sa mga COVID-19 tests na binabayaran ng PhilHealth.

Magugunitang itinigil ng PRC ang COVID-19 tests nito noong Oktubre dahil sa higit P930-million na utang ng state-health insurer. Naapektuhan tuloy ang ginagawang test para sa mga OFW, swabbing centers at local government units.

Agad namang ibinalik ng Red Cross ang kanilang operasyon sa mga naapektuhang sektor matapos ang unang bayad ng PhilHealth.