-- Advertisements --
Tiniyak ng men’s football team ng Iran na sila ay makikilahok sa 2026 World Cup sa US na magsisimula sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa federation na walang magiging problema sa kanilang paglahok basta hindi lamang malalabag ang kanilang mga paniniwala at karapatan.
Una ng nagpahayag ng hindi pagsali ang men’s football team ng Iran dahil sa nagaganap na paglunsad ng giyera ng US at Israel.
Gaganapin ang FIFA World Cup mula Hunyo 11 hanggagn Hulyo 19 kung saan ang host ay ang US, Canada at Mexico.
















