-- Advertisements --

Bahagyang humina at bumagat ang Bagyong Hagupit habang patuloy itong kumikilos sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon.

Ayon sa ulat, ang sentro ng Tropical Storm Hagupit ay matatagpuan sa layong 1,035 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 kilometro kada oras malapit sa sentro, na may pagbugso hanggang 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-hilagang kanluran (north northwestward) sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Samantala, easterlies naman ang nakakaapekto sa iba pang bahagi ng ating bansa.