-- Advertisements --

Nagpakitang-gilas muli ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos talunin ang Chinese tennis star na si Wang Xinyu sa straight sets, 6-4, 6-3, upang makapasok sa third round ng Italian Open.

Sa unang set, mabilis na nakalamang si Wang ng 3-0 ngunit bumawi si Eala sa pamamagitan ng matitinding rallies at drop shots na nagbigay sa kanya ng 6-4 na panalo.

Sa ikalawang set, nagkaroon ng dikdikan sa score ngunit sa 3-3 ay nakakuha ng crucial break si Eala at tuluyang isinara ang laban sa 6-3.

Ang panalo ay nagsilbing sweet revenge matapos siyang talunin ni Wang sa ASB Classic semifinals noong Enero.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakapasok si Eala sa third round ng isang clay-court tournament, patunay ng kanyang patuloy na pag-angat sa WTA rankings.

Susunod niyang makakaharap ang mananalo sa laban nina World No. 2 Elena Rybakina at Maria Sakkari, isang malaking hamon bago ang nalalapit na Roland Garros.

Ang tagumpay na ito ay mahalaga para sa momentum ni Eala sa clay season at nagbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na patuloy na sumusuporta sa kanyang laban sa international tennis.

Agad naman itong umani ng mga papuri at pagbati dahil sa panibagong tagumpay.