-- Advertisements --
Kinondina ni European Union crisis management chief Hadja Lahbib ang patuloy na pag-atake ng Israel sa mga pagamutan at mga journalists sa Lebanon.
Sinabi nito na dapat ay magkaroon ng mas maraming humanitarian aid.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng walang humpay na palitan ng atake ng Israel at Hezbollah militant group.
Dahil dito ay maraming mga jounalists na rin ang nadamay at maging ang mga pagamutan ang nagtamo ng matinding pinsala.
Magugunitang nagkaroon ng ceasefire noong Abril 17 subalit patuloy pa rin ang pag-atake ng magkabilang panig.
















