Naglabas na ng pahayag ang International Criminal Court (ICC) ukol sa ulat na mayroon ng arrest warrant laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Nilnaw na ICC na wala pang public arrest warrant na inilabas na may kaugnayan sa Pilipinas.
Pinayuhan din ng ICC ang publiko na dapat ay makinig lamang sa mga opisyal na pahayag at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon mula sa online.
Una ng sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na naghahanda na sila ng nasa 10,000 na mga task force para sa pag-aresto sa Senador sakaling lumabas ang warrant of arrest mula sa ICC.
Subalit inamin ni Remulla na wala pa itong natatanggap ng anumang kopya ng arrest warrant mula sa ICC.
Magugunitang si Dela Rosa ay nagsilbing PNP chief noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na idinadawit ngayon sa madugong war-on-drugs na isinampa sa ICC.















