-- Advertisements --

Nagpahayag si Atty. Kristina Conti hinggil sa karapatan ng akusadong si former Pres. Rodrigo Duterte na pumili ng sariling abogado.

Ayon sa kanya, may karapatan ang akusado sa counsel of choice, subalit iginiit ng mga biktima na nais nilang matiyak na ang pagpapalit ng abogado ay hindi magiging sanhi ng anumang pagkaantala sa proseso.

Binanggit ni Conti na ang pagkakaroon ng bagong abogado ay hindi awtomatikong nagre-reset ng oras o nagbibigay ng panibagong remedyo para sa akusado.

Sa kasalukuyan, tiniyak ni Nicholas Kaufman na ang bagong lead lawyer ay dadalo sa status conference sa darating na Mayo 27, 2026.

Gayunpaman, sinabi ni Conti na ito ay kanilang tatanggapin nang may pag-iingat.

Dagdag pa niya, ang mga biktima ay magpapaabot ng kanilang pananaw at pangamba sa pamamagitan ng mga common legal representatives na muling tatayo para sa kanila sa korte sa nasabing petsa.

Ang pangkalahatang damdamin ng mga biktima, ayon kay Conti, ay mas nais nilang magsimula ang paglilitis sa lalong madaling panahon.

Top