Kinontra ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pahayag ng China na isang drama lamang ang pinalulutang ng Pilipinas hinggil sa pagsira ng mga corals sa West Phl Sea.
Ayon sa Coast Guard ang ginawang pag-harvest at pagtatapon ng mga korales sa Rozul Reef at Escoda Shoal ay isang seryosong krimen.
Una rito, inakusahan ng tagapagsalita ng Chinese foreign ministry ang Pilipinas na gumagawa ito ng isang political drama mula sa isang fiction hinggil sa mga corals at dapat alisin na ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ng sa gayon maprotektahan ang marine ecosystem sa lugar.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Phil Sea, Commodore Jay Tarriela na ang pagkasira ng mga korales ay higit pa sa drama.
“It is a violent act and a serious crime against humanity,” wika ni Tarriela.
Ang pagkasira ng mga korales ay nakakaapekto sa marine life at ang kabuhayan ng mga mangingisdang umaasa sa kanila.
Ang mga epekto ng coral harvesting sa Rozul Reef at Escoda Shoal ay maaaring tumagal ng ilang dekada.
Nangangamba ang maritime expert sa pagbagsak ng pangisdaan sa Pilipinas.
“Stop making allegation that BRP Sierra Madre is polluting the water, but blame it to your numerous Chinese Maritime Militia swarming the Philippines’ exclusive economic zone (EEZ),” pahayag ni Tarriela.