-- Advertisements --

NAGA CITY- Target ngayon ng 9th Infantry Division, Philippine Army na magkaroon ng magandang resulta ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Moreno Virgilia, 902nd Infantry Brigade, sinabi nitong positibo silang maganda ang kalalabasan ng naturang hakbang para matuldukan na ang matagal ng problema sa mga insurhensya at bayolesya na gawa ng mga CPP-NPA.

Aniya, ang naturang hakbang ang alinsunod sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na Executive Order 70 na layuning matapos na ang kaguluhan sa bansa.

Ayon kay Virgilia, maganda ang nasabing hakbang dahil hindi lamang ang mga kasundaluhan at kapulisan ang lalaban para sa kapayapaan sa halip magiging katuwang na dito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Layunin din aniya ng nasabing grupo na malaman at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ordinaryong mamamayan lalo na sa mga conflict affected areas.