gapay
Phil. Army commanding General Lt Gen. Gilbert Gapay

Naniniwala ang liderato ng Philippine Army na sinadyang patayin ng mga pulis ang apat na sundalo habang nasa misyon ang mga ito kahapon sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Philippine Army spokespeson Col. Ramon Zagala, hindi nila tanggap ang pahayag ng PNP na misencounter ang pagkakapatay sa apat nilang intelligence operatives.

Ang napatay na apat na sundalo ay sina Maj Marvin Indamog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Eric Velasco at Cpl. Abdal Asula.

Iginiit na ni Phil. Army commanding General Lt Gen. Gilbert Gapay ang masusing imbestigasyon sa insidente at managot ang dapat managot.

Nanindigan si Gapay na nasa misyon ang apat na sundalo at inaalam ang lokasyon ng mga terorista ng mangyari ang insidente.

Batay sa pahayag ng ilang mga testigo wala umanong nangyaring pagtatalo sa panig ng mga sundalo at ng mga pulis bago mangyari ang pamamaril.