-- Advertisements --

Bahagyang naging emosyunal ang mga opisyal ng Pharmally nang humarap ang mga ito sa ika-16 na hearing ng Senate blue ribbon committee.

Himotok ni Pharmally director Linconn Ong, nahihirapan na sila sa pagkakakulong sa Pasay City Jail at nagmumukha na raw silang kriminal.

Bandang alas-2:00 ng hapon kasi nitong Biyernes nang dalhin sina Ong at Mohit Dargani sa Senado.

Naka-hoodie ang dalawa, jail uniform, asul na jacket at may nakakabit pang posas.

Para kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, ibinigay nila ang lahat ng tyansa para kina Dargani at Ong, ngunit pinaikot lamang ng mga ito ang kanilang mga tauhan na kukuha sana ng kahon ng mga dokumento.

Maging ang nobya ni Dargani na si Sophia Custodio ay pinapa-subpoena na rin, para magbigay ng linaw sa ilang isyu ng kanilang mga ari-arian.