MANILA – Aabot sa 978 na pinaniniwalaang “adverse events following immunization” (AEFI) ang naitala ng Department of Health (DOH) mula nang mag-umpisa ang Pilipinas na magturok ng COVID-19 vaccines.
Batay sa datos ng ahensya as of March 9, ang 892 sa mga ito ay adverse event na na-report matapos maturukan ng Sinovac vaccine.
“Wherein, 872 are non-serious, while 20 cases are serious adverse events,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Habang 86 ang reported AEFI matapos mabigyan ng AstraZeneca vaccine.
“On the other hand… 85 are non-serious, and 1 is serios, and these were all reported and managed.”
Nilinaw ng opisyal na dumadaan pa sa masusing evaluation ng iba’t-ibang opisina ang mga numero para masigurong hindi tama ang impormasyong naitatala tungkol sa AEFI.
“Hindi natin araw-araw naitatala na up-to-date kasi bago makarating sa amin ang mga reports from regions, we’re still validating sa regional level bago ipasa sa amin.”
Paliwanag ni DOH spokesperson, karaniwang adverse event ang natukoy mula sa mga non-serious AEFI cases.
Tulad ng pananakit ng katawan, bahagi na tinurukan, lagnat, pagtaas ng presyon at rashes.
“Kapag na-obserbahan sila at nabigyan ng gamot kung kailangan ay bumubuti ang lagay nila at pinapauwi.”
Para naman sa mga serious AEFI cases, paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga daw ang kanilang naramdaman.
“Pinag-aaralan yung cosality. According to the head of NAEFIC (National Adverse Events Following Immunization Committe), sa tingin nila yung iba talaga sa mga kababayan may halong anxiety o takot sa pagbabakuna.”
“Pinag-aaralan lahat ng nangyari na side effects na yan para masabi natin na what would really be those events which really caused by the vaccine, or would these events will be the usual adverse events na hindi natin kailangan directly i-relate doon sa bakuna.”
As of March 10, 422 implementing units na raw ang nagro-rolyo ng COVID-19 vaccines sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Tinatayang 11.2% o 114,615 mula sa higit 1-milyong nasa masterlist na ang nabakunahan.
Mula sa kanila, 101,827 ang tumanggap ng Sinovac vaccine, habang 12,788 ang naturukan ng AstraZeneca vaccine.