-- Advertisements --

Pumalo sa kabuuang 14,001,751 ang bilang ng populasyon ng Metro Manila o ang National Capital Region (NCR), ayon sa 2024 Census ng Philippine Statistics Authority (PSA) na kumakatawan sa 12.4% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na mayroong 112 million noong nakaraang taon.

Mula 2020, tumaas ang populasyon ng Metro Manila ng 517,289 katao, mula sa 13.48 million kabuuang bilang nito.

Kung ikukumpara sa mga nakaraang taon, ang NCR ay nakapagtala ng pagtaas sa 1.12 million mula 2015 at 2.15 milion mula noong 2010.

Isa dito ang Quezon City na may pinakamalaking populasyon sa NCR na may 3.08 milyong tao, kasunod ang Maynila (1.90 milyon) at Caloocan (1.71 milyon).

Habang naitala ng Pateros ang may pinakamaliit na populasyon sa NCR na may 67,000 residente habang ang San Juan ay may 134,000.

Ang Mandaluyong City naman ang naitala na may pinakamabilis lumago ang populasyon, na may average annual growth rate na 2.18% mula noong 2020 hanggang 2024.