-- Advertisements --
Nakatakdang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio dahil sa hindi otorisadong pagbili ng lupain.
Sinabi ni Department of Migrant Wokers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, na sa mga susunod na araw ay isasampa na nila ang kaso laban kay Ignacio at dalawang iba pa.
Isasampa nila ang aksong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Naniniwala si Cacdac na may iba pang mga katao ang sangkot sa nasabing kaso at kanila itong patuloy na sinisiyasat.
Magugunitang tinanggal si Ignacio dahil sa loss of trust and confidence ukol sa pagbili nito ng lupain.