MANILA – Aabot na sa 508,332 indibidwal ang naturukan ng una sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Batay sa datos na inilabas ng Department of Health at National Task Force against COVID-19, katumbas ng numero ang 62% ng 818,200 doses alokasyon.
“As of 23 March 2021, 6PM, 1,759 vaccination sites are conducting COVID-19 vaccination in various sites in 17 regions.”
“98.21% of the available doses have been distributed to the vaccination sites across the country, equating to 1,105,500 out of 1,125,600.”
Pinakamarami sa mga nabakunahan ang National Capital Region na may halos 150,000 nang nabakunahan.
Sumunod ang Calabarzon na may halos 49,000, at Central Visayas na may halos 40,000 indibidwal na nabakunahan.
Kung maaalala, March 1 nang mag-umpisang magturok ng Sinovac vaccines ang Pilipinas. Sa ilalim ng emergency use authorization, 28-days ang pagitan bago iturok ang ikalawang dose.
Noong March 6 naman nag-umpisa ang bansa sa pagbabakuna ng AstraZeneca vaccines na mula sa COVAX Facility.
Tiwala ang DOH na dahil sa pagdating ng karagdagang 400,000 doses ng Sinovac vaccine ay siguradong mapo-protekahan laban sa COVID-19 ang mga healthcare workers na prayoridad sa vaccination.
“With the arrival of the 400K doses of SINOVAC, we are sure to protect more HCWs.”