-- Advertisements --

Isang magnitude 6.7 ang tumama sa Kuril Islands ng Russia nitong Linggo, ayon sa German Research Center for Geosciences.

Unang iniulat ng ahensya ang lindol na may magnitude na 6.35 at may lalim na 10 kilometro.

Ngunit, batay sa United States Geological Survey (USGS) ang magnitude ng lindol ay umabot sa 7.0. Gayundin, ang iniulat ng Pacific Tsunami Warning System, na nag-tala ng magnitude 7.0.

Wala namang tsunami warning ang inilabas pagkatapos ng pagyanig.

Namataan ang epicenter ng lindol sa isang seismically active na rehiyon banda sa karagatang pasipiko, ngunit wala pang mga ulat ng malaking pinsala o mga nasaktan hinggil sa insidente.