Muling bumagsak ang halaga ng piso laban sa dolyar matapos umabot sa P59.22 kada $1 ngayong Martes, Disyembre 9, 2025.
Ito ang pinakamababang antas sa kasaysayan ng bansa, na lumampas sa dating rekord na P59.17 noong Nobyembre 12, 2025.
Nagsimula ang taon sa antas na P55 kada $1 ngunit unti-unting humina ang piso dahil sa mataas na inflation at malakas na dolyar.
Malaking salik ang patuloy na mataas na interest rates ng US Federal Reserve na nagpalakas sa dolyar at nagdulot ng pressure sa mga emerging markets.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, patuloy nilang babantayan ang sitwasyon at handang mag-intervene upang mapanatili ang stability ng piso.
Ang pagbagsak ng piso ay nagdudulot ng mas mataas na presyo ng imported goods gaya ng langis at pagkain, na direktang nakakaapekto sa mga mamamayan.
















