-- Advertisements --

Naghain muli ng panibagong diplomatic protest ng Pilipinas laban sa illegal maritime activities ng China sa loob ng 200 mile exclusive economic zone ng bansa sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito na ang ikalawang diplomatic protest na bansa laban sa China kung saan umaabot na sa mahigit 300 complaints ang naihain kontra sa mga iligal na aktibidad ng Beijing sa West Philippine Sea.

Sa isang statement, sinabi ng DFA na ang China ay sangkot sa illegal fishing habang ang ang Chinese coast guard vessels nito ay sinusubaybayan ng palihim ang barko ng Pilipinas na nasa resupply mission sa sariling exclusive economic zoe ng bansa.

Iginiit din ng DFA na walang karapatan ang China na mangisda, imonitor o makialam sa lehitimong mga aktibidad ng Pilipinas.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng komento ang Chinese Embassy sa Maynila sa panibagong diplomatic protest ng bansa.