-- Advertisements --

Kumpiyansa ang National Security Council na makamit ng Pilipinas ang target na lilipat na ang pokus sa external defense sa loob ng termino ni Pang. Ferdinand Marcos Jr matapos wakasan o mapababa ang kapabilidad ng komunistang grupo sa bansa.

Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año, hindi malayo na sa loob ng administrasyong Marcos ay maibaling na ang pokus ng gobyerno sa external threats.

Dagdag pa ni Año na kanilang inaasahan na sa termino ng Pang. Marcos tuluyan ng matuldukan ang local armed communist conflict na higit limang dekadang namayagpag sa ating bansa.

Ayon kay Año, sa sandaling maging wala ng saysay ang komunistang rebelde, makakapag pokus na ang gobyerno sa mga development sa rural areas at matiyak na maihatid sa ating mga kababayan ang mga basic services.

Binigyang-diin ni Año na maaaei na ring mag pokus ang Armed Forces of the Philippines sa external defense lalo ngayon na napakaraming hamon at  geopolitical issues na dapat kahaharapin ng bansa.

Kahapon pinangunahan ni Pang. Marcos ang 2nd National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) EXECOM Meeting na ginanap sa Malacañang.

Hinimok ng chief executive ang ibat ibang  government agencies na ipagpatuloy ang mga hakbang para mahikayat ang mga rebelde na sumuko at magbalik loob sa gobyerno.