Lalo pang naging masalimoot ang takbo ng imbestigasyon ukol sa Pharmally deal ng pamahalaan ukol sa pagbili ng bilyong halaga ng medical supplies.
Ito ang lumitaw sa ika-13 hearing ng Senate blue ribbon committee ukol sa mga kwestyunableng pagbabayad ng buwis.
Sa presentation ni Sen. Franklin Drilon, napakaliit lang ang buwis na binayaran ng magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani nung 2020.
Sa kabila ito ng natuklasang pagbili nila noong 2020 ng luxury cars na milyon-milyong piso ang halaga.
Kung susuriin ang statement ng Pharmally officials, lumalabas na ang gobyerno pa ang may pagkakautang sa nasabing kompaniya na nasa P589.163.
Pero hindi naman mapagpaliwanag ang BIR dito, lalo’t hindi pinadadalo sa hearing ang mga nasa executive branch ng gobyerno.
Maging si dating presidential adviser for economic affairs Michael Yang ay natuklasang hindi nag-file ng income tax return (ITR) noong 2014 hanggang 2017, habang P7,600 lang ang binayarang buwis nung 2018.