-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa reklamo ng ilang empleyado ng business process outsourcing (BPO) sa Cebu.
Kasunod ito sa pilit na pinapapasok ang mga empleyado sa kasagsagan ng lindol.
Ayon sa DOLE na nakipag-ugnayan na sila sa DOLE Region 7 para tignan ang nasabing reklamo.
Pagpapaliwanagin din ng ahensiya ang nasabing kumpanya para mabigyang linaw ang reklamo ng ilang empleyado.