MANILA – Pumalo pa sa 505,939 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas, matapos madagdagan ng 1,862 new cases.
Ayon sa Department of Health (DOH), hindi pa kasali sa mga numero ang ulat ng dalawang laboratoryo na bigong makapag-submit ng datos kahapon.
“2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 19, 2021.”
Ang Zamboanga City naman ang nanguna ngayon sa listahan ng mga lugar na may pinakamaraming bilang ng new cases, na umabot ng 206.
Sumunod ang Davao City (109), Kalinga (102), Quezon City (77), at Benguet province (74).
Nasa 28,904 pa ang active cases o mga nagpapagaling na pasyente.
Kabilang sa kanila ang 84.9% na mild cases; 7.5% asymptomatic; at 0.39% moderate cases.
Habang umakyat sa 4.5% ang critical cases, at 2.6% ang bilang ng mga severe.
Patuloy ding nadagdagan ng 765 ang total recoveries na nasa 466,993 na.
Samantala, 64 ang bilang ng bagong namatay kaya 10,042 na ang total deaths.
“7 duplicates were removed from the total case count. Of these, 7 were recovered cases.”
“Moreover, 14 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”