-- Advertisements --

Tumaas ng 12.1% ang pautang mula sa mga universal at commercial banks noong Hunyo kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Matapos ikonsidera ang mga pagbabago, lumago ng 1.2% ang pautang ng mga bangko kumpara noong Mayo.

Ang pautang sa mga nasa bansa ay umangat ng 12.6% habang bumaba naman ng 6.4% ang pautang sa mga non-resident borrowers.

Nabatid na lumaki ng 11.1% ang mga pautang para sa negosyo, partikular sa mga sektor ng real estate, enerhiya, pananalapi, at transportasyon.

Ang mga consumer loan tulad ng credit card, sasakyan, at salary loans ay tumaas ng 24.0% noong Hunyo.

Sinasabing mahalaga ang pagsubaybay ng BSP sa mga pautang dahil bahagi ito ng monetary policy, upang maalalayan ang mga bangko sa anumang angkop na hakbang.