Mas bumagal pa ang naitalang inflation rate o pangkalahatang pagbilis ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong Hulyo.
Sa isang pulong balitaan ngayong Martes, Agosto 5, iniulat ni Philippine Statistic Authority (PSA) USec. at National Statistician Dennis Mapa na bumagal sa 0.9% ang inflation rate noong nakalipas na buwan, ang pinakamabagal na naitala ngayong taon.
Kung ikukumpara noong Hunyo 2025, ito ay 1.4% na mas mabagal at mababa din sa 2% hanggang 4% na target ng economic managers.
Paliwanag ng PSA official na ang mas mabagal na inflation noong Hulyo ay bunsod ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages gayundin ng utility costs.
Patuloy din ang pagbaba ng inflation ngayong taon sa gitna ng pagbaba ng mga presyo sa bigas.
Ipinaliwanag din ng PSA chief na bagamat nakitaan ng pagbaba sa mga presyo ng bigas kung saan nakatulong ang programang bente pesos na bigas ng gobyerno, may mga pagtaas naman sa ibang mga items o bilihin partikular na ang pagtaas ng presyo ng kada kilo ng baboy dahil sa problema sa suplay bunsod pa rin ng African Swine Fever (ASF) gayundin sa presyo ng manok at isda na nagiging substitute sa baboy.
Sa gulay naman, nagkaroon ng pagtaas dahil sa epekto ng magkakasunod na bagyo at habagat na tumama noong nakalipas na buwan.