Maraming mga negosyante sa India ang nagpahayag ng interes na makapulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakatakdang State Visit nito sa India sa susunod na linggo mula August 4 hanggang August 8, 2025.
Ayon kay Foreign Affairs Asec Evangeline Ong Jimenez – Ducrocq na ilan sa mga kumpaniyang ito, mayroon na o naghahanda na ring pumasok sa merkado ng Pilipinas.
Aniya, target ng administrasyon na mahikayat ang mga kumpaniyang ito na palawakin pa ang kanilang pamumuhunan sa bansa.
Malaking oportunidad aniya ito para sa Pilipinas, lalo’t ang Bangalore, ay itinuturing bilang Silicon Valley, at kilala sa linya ng ICT o sentro ng high technology innovation sa India, na makakatulong ng malaki para sa Pilipinas, sa linya ng ICT, innovation, at makabagong teknolohiya.