MANILA – Lagpas 500,000 na ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa Pilipinas, batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH).
Ngayong araw ng Linggo, January 17, nag-ulat ang ahensya ng 1,895 na bilang ng mga bagong tinamaan ng sakit. Kaya naman sumirit sa 500,577 ang total cases.
“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 16, 2021.”
Ang Davao City ang nangunguna sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng new cases na nasa 107.
Sumunod ang Quezon City (106), Isabela (65), Pampanga (63), at Bulacan (62).
Nasa 24,691 pa ang mga active cases o nagpapagaling. Binubuo ito ng 84.6% na mga mild cases at 6.6% asymptomatic na pasyente.
Mayroon namang 3.0% na mga severe, 5.3% na critical, at 0.47% moderate cases.
Samantala, nadagdagan ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos ang time-based tagging na “Oplan Recovery.”
Nasa 465,991 na ang total recoveries dahil sa nadagdag na 5,868.
Habang 11 ang nadagdag sa total deaths, na ngayon ay nasa 9,895 na.
“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 were recovered cases.”
“Moreover, 5 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”