Eksakto alas-10:44 kaninang umaga ng umalis sa Villamor Air Base ang PR-001 lulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Firs L Liza Marcos at ang Philippine delegation patungong India para sa limang araw na state visit ng Pangulo.
Sa departure speech ng Pangulo palalakasin pa ng Pilipinas ang ibat-ibang kooperasyon sa India gaya sa depensa, trade, investment, health, pharmaceuticals, connectivity, agriculture, tourism at marami pang iba.
Ipinagmalaki din na inulat ng Pangulo ang pagbigay ng visa free privileges para sa mga Indian travelers na asahan mapalakas pa ang tourism-related industries sa bansa.
Pangungunahan din ng Pangulo ang business delegation sa New Delhi at Bengaluru kung saan makikipag pulong sila sa mga Indian companies para sa posibilidad na investment sa Pilipinas.
Binigyang-diin ng Pangulo na nais niya na magkaroon ng konkretong benepisyo sa mga Pilipino ang kaniyang pagbisita sa India Gaya ng abot kayang gamot, connectivitu at food security.
Kumpiyansa si PBBM na magiging produktibo at makabuluhan ang kaniyang biyahe sa India.