-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa 582,223 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngayong araw ng Miyerkules, March 3, nag-ulat ang ahensya ng 1,783 na bagong kaso ng COVID-19, matapos ang anim na magkakasunod na araw na higit 2,000 ang bilang ng new cases.

“7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 2, 2021.”

Umakyat naman sa 35,056 o 6% ang active cases.

Mula sa kanila 94.8% ang mild at asymptomatic cases. Parehong 2.2% naman ang severe at critical cases, habang 0.84% ang moderate cases.

Nadagdagan din ang total recoveries ng 330 kaya umakyat sa 534,778 ang bilang ng mga gumaling.

Habang 20 ang bagong naitalang namatay para sa 12,389 total deaths.

“2 duplicates were removed from the total case count. Of these, 1 is a recovery.”

“Moreover, 14 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”