MANILA – Tumuntong na sa 1,046,653 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ngayong 4 PM, Abril 30, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,748 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,143 na gumaling at 89 na pumanaw. pic.twitter.com/W7SY3dMtVw
— Department of Health (@DOHgovph) April 30, 2021
Batay sa pinakabagong report ng ahensya, nadagdagan ng 9,226 na bagong kaso ng sakit ang total tally.
“All labs were operational on April 29, 2021 while 4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS),” ayon sa DOH.
Nasa 72,248 pa ang bilang ng mga active cases o pasyente ng COVID-19 na nagpapagaling.
Mula sa kanila, 94.9% ang mild cases, 1.7% ang asymptomatic, 1.4% ang severe, 1.1% ang critical, at 0.90% ang moderate cases.
Nadagdagan naman na 10,809 ang total recoveries na ngayon ay nasa 957,051 na.
Habang 120 ang bagong naitalang namatay para sa 17,354 na total deaths.
“33 duplicates were removed from the total case count. Of these, 22 are recoveries.”
“Moreover, 54 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”