Sa ikalawang sunod na araw, muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 300 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa case bulletin ng DOH, may 380 na bagong nag-positibo sa pandemic na virus. Nag-resulta ito nang pag-akyat ng total sa 15,049.

Mula sa nasabing total, may 10,639 daw na active cases.

Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,506 dahil sa 94 na bagong gumaling.

Samantalang ang death toll ay umakyat na sa 904, dulot ng 18 na bagong naitalang namatay.